Ang Aking Top 5 na Nakaka-ewan na Karanasan sa MRT
Simula nung tinanggap ko ang isang Editing Job sa Mandaluyong, kinakailangan ko ng sumakay ng MRT araw araw.. P%t@ng$n@. Marinig ko lang yung salitang MRT, napapamura nako. Seriously. Kaya ililista ko yung TOP 5 na nagpapainit sa ulo ko mula Lunes hanggang Biyernes.
No. 5) Napakahaba ng pila sa MRT tuwing umaga - Syet na malagkit. Kelangan ko pang pumili ng isang oras para lang makasakay sa tren na yun. Pero ayos lang. Wala kasi akong choice e. Minsan triny ko sumakay ng bus papuntang trabaho. Di naman traffic, kaso hinto ng hinto yung bus basta may makitang tao. Muntik ko na ngang masabihan yung driver na punta syang China, tapos pagkasyahin nya lahat ng tao sa bus nya. Para sumaya na sya.
No. 4) One time, sobrang siksikan sa MRT. Yung tipong, pwede na kayong magkapalit ng mukha, at magshare ng warts sa mukha. Tapos may isang babae na nag iinarte, nagagalit sakin kasi nadidikit ako sakanya. E leche flan ka pala Miss e! Sayo tong MRT? Binili mo? Asawa ka ni Noynoy? Nampupu. Nagsisiksikan kaming lahat tapos gusto mo may personal space ka? Haha. Patayo ka ng sarili mong tren kung ayaw mong madikitan ka.
No. 3) Ayokong nakakaskas sakin yung mga private parts ng isang tao. Kaya lagi akong sa unahang train sumasakay, para di ako makaskasan ng kung ano ano. Kaso, minsan pag punuan talaga, di maiwasang madikit sakin yung mga b@@b$ ng mga babae. Ayos lang naman kung dampi lang. Kaso merong isang beses, may nakatube na babae. Tapos nasa likuran ko sya, at super nakadikit na talaga katawan nya sakin. Kung lalaki sana ako, ayos lang. Maski habambuhay ka na dyan sa likod ko. (Note to my bf: Wag mo pabayaang may dumikit na babae sayo a. Umayos ka.:D) Kaso hindi e. Pwedeng mukha akong lalaki, pero pusong babae pa rin ako. Nasusuka talaga ako bawat dampi ng b@@bs nya sa likod ko. Maygad, that’s so erotic. Sorry kids.
Kulang pa ko ng No. 2 at No. 1 ko. Di ko na kasi alam kung sino talaga mga pinakaiinisan ko e. Lahat kasi sila, namura ko na sa isip ko. Haha.
Tuloy ko to next time a. Orayt!
When faced with two choices, simply toss a coin.
It works not because it settles the question for you
but because in that brief moment when the coin is in the air..
You suddenly know what you are hoping for..
Titanic in Super 3D
My new girl crush :))
Nagluto si Isang ng hamburger na gawa sa puso ng saging…
At hindi masarap. :/
Now I know why McDonald’s uses beef instead of banana parts for their hamburger patties..
Yung feeling na ansaya saya mo kasi pagpunta mong school, inannounce na walang pasok..

Kaso pagbalik mong bahay, babawiin ng nanay mo baon mo..

WTF. 
A Rather Weird Conversation
Isang: Raymart nunal ka daw. Niloloko ka ni Mama..
(narinig ni Mama yung sinabi ni Isang)
Mama: Bakit? Anong sabi nya?
Lahat napatingin kay Mama.. Followed by an awkward silence…. Hahaha.
